I used to be the…

…optimistic girl of the class. ‘Yang ang sabi nila sa akin nung high school. Na ako daw, among all (ah, hindi naman, exaggerated lang, pero parang ganyan na nga ang sense) yung taong positive mag-isip. Yung taong kahit malungkot na ang pangyayari ay nakakaisip pa din ng masasayang bagay na dapat ikasaya; yung taong kaya pa ring tumawa at ngumiti sa mga pagkakataong nakaka-down ng spirit. Pero ano nang nangyari sa akin ngayon? Puro negative na lang ang naiisip ko at self-pity. Ewan ko, hindi ko naman mapigilan, para kasi sa akin reality lang naman yung sinasabi ko. Haaaaay! Ewaaaaan! ‘Di ko na din alaaaaaam! =(

...maasahan at masipag na secretary of the class. Hindi naman sa nagyayabang o ano. Pero naalala ko ung sinabi ni Sir Sunny na ako daw ang kanyang masipag at maaasahan na secretary. Yung batang kapag inutusan mo eh satisfactory o kaya kapag sinuwerte eh exceed expectations ang makukuha mong results. Nasaan na siya? Nasaan na yung ganung Kharren? Yung responsable at maaasahan at maparaan at masipag at creative at alam ang gagawin at hindi tatanga-tanga?? Nasaan na siya? Baka nawala na siya forever.

…quick-witted kid and semi-clown of the group. quick-witted kasi dati ang bilis ko makaisip ng jokes at sasabihin; semi kasi hindi naman ako ung pinaka-nakakapagpatawa sa kanila.  Pero ano ako ngayon? The lame and loser and long-time processing Kharren. Yung wala ng sense at hindi na benta magjoke. Yung wala ng masabi nang matino kasi sobrang awkward (well, awkward din naman dati, pero ewan) at walang masabi. 


Ewan ko. Things change sabi nga nila. Pero bakit ganun, ung sa akin for the worst at hindi for the better? EWAAAAAAN KOOOO! EWAAAAAN KOOO! =(