»

September 21, 2012…

Ewan ko ba anong meron sa araw na ‘to:

1. Na-late ako sa usapin namin ni Van for pagpila sa Cheerdance ticket. Sooooo.. wala akong ticket para sa UAAP CDC live at SM MOA Arena. First and last sana kung nagkataon. :(

2. Ang tagal naghintay para sa Palarong Agham T-Shirt pero wala naman pala kaming makukuhang matino.

3. Nakipagsiksikan sa LRT (take note, sa panglalaking side kami dahil ayaw namin iwan si Van).

4. Misunderstanding at labo-labo sa test na ipapahiram sa grupo nila Qiu. 

5. Late kami sa usapan sa MIAA. 

6. Yung akala naming 32 para sa aming 4, naging 15-1 na lang.

7. HOLD-UP sa FX papuntang Lawton. :( (This I do not want to remember at all, ayoko na din ikwento nang detalyado). Basta, wala namang nasaktan sa amin, except dun sa foreigner na nasaksak sa kamay at nakuha ang Samsung Note 7.0, na puntirya talaga nila at yung relo lang ni Van nakuha, pero pucha, trauma naman ang iniwan.

8. Mahirap na quiz sa ETAR. Na minadali na namin ni Van dahil gusto na naming matapos at umuwi na.

9. May nakahandusay na katawan na may takip na na karton sa may Lawton. So probably, patay na yun.

10. Malaman-laman kong nanalo pala Psychology Dance Troupe sa Palarong Agham Cheerdance Competition (ganda pa ng damit nila) tapos hindi ko/namin man lang napanood?????? T_______T

11. Ang dami pang dapat gawin, pero ako si nganga! :| WOW.

Kailangan ko lang i-save sa time na ‘to. Ie-edit ko din mamaya. Actually, as of 08062012 ko na ‘to ineedit. Grabe naman kasi ang stress na hatid ng lahat lahat ng bagay na merong kinalaman sa school. HUHUHU.

Anyway, about retreat kasi ‘di ba?? Medyo skip skip na yung mga events. Yung mga mahahalaga na lang, yung may impact ba.

Read More

Since first day of Jullyyyyy… EDIT KITA BUKAAAAAAAASSS! =))


Since first day of July (well actually, second day na), ito na… diary entry for the last 28 27 days of my “teen” years.

*Caution: Magiging sabog ang mga paglalahad ko dito. Pagpasensyahan na.

Ano ba? Hhhhmmm. Ayun, tatanungin na naman ako ng mga tao, “Anong feeling nang bente ka na?” Ang isasagot ko na naman, "Ewan ko. Parang ganun pa rin, wala namang nagbago." Lolokohin ko pa nga sila, "Teen pa rin naman ako, twenTEEN," o kaya "Anong 20? Divided by 2 kamo, 10." Pero sa totoo lang, wala naman talagang magbabago kapag naging 20 na ako. Ganon pa rin naman ang mga bagay-bagay, tuloy pa rin ang buhay. Although, GUSTO kong MAY MAGBAGO naman.  

At syempre, bilang the materialistic me at ambisyosa, gusto kong may magbago sa sarili ko, gusto kong gumanda, sumexy, etc. Pero imposible yan. Gusto ko ng pagbabago sa mga gamit na meron ako, gusto kong magkaroon ng bagong cellphone, bagong damit, bagong sapatos, bagong bag, bagong wallet, at kung anu-ano pang bago. Pero syempre, dahil hindi naman kaya ng bulsa, sorry na lang.

Pero hindi yun eh. Bilang magbe-bente na nga ako, kailangan ko nang mag-mature; kailangan ko ng pagbabago sa pananaw; kailangan ko ng pagbabago na hindi nasusukat sa mga bagay na nakikita ng mga tao; kailangan ko ng pagbabago na dadalhin ko hanggang sa lumagpas na ako ng bente. Pero hindi ko naman agad-agad ata makukuha yang mga yan. Experience. Observations. It takes years para maging person of wisdom. Pero swerte lang nung mga nakamit ang wisdom at an early age. Gusto ko din, gusto ko.

Pero as now, ano ba talaga yung pinakagusto ko? Gusto kong maging malaya. I want to be free! Like Dobby. AHAHAHA! Oo nilagyan ko lang ng Dobby para mukhang nakakatawa, pero seryoso ako. Gusto kong maging malaya. Maging malaya sa lahat ng bagay. Maging malaya sa pagdedesisyon sa buhay; maging malaya sa gusto kong gawin; maging malaya, somehow, sa pag-iisip ng pamilya ko; maging malaya sa kasalanan. 

Ewan ko ba. Hirap na naman ako sa pagpapaliwanag. Gusto ng breakthrough sa buhay ko. Pero wala naman akong ginagawa para dun. Ano yun, bigla na lang mangyayari? Yan, yan kasi lagi nasa isip ko eh. Na sobrang miracle, na wala naman akong ginawa pero biglang booooom, big time na ako. Eh wala eh. Hindi ganun ang buhay. Ok, sabog ko na naman. 

Gusto ko din maging mature na mag-isip. Na hindi na maging selosa at makitid ang utak sa mga bagay-bagay. Maging mature mag-isip. Oh did I say that again? Oo, kasi gusto ko ng maging mature mag-isip. ‘Di ko alam kung paano, pero ayun.

Haaaaaaaay. Not making any sense na naman. Pero whatever. Byebyeeee.

June 5, 2012…

Ok, so today was our first day. First day nang pagiging 4th Year student, nang pagiging senior. Grabe lang. Same same feeling. First day syndrome, excited na medyo kinakabahan. Ganun naman palagi.

Haaaaaaay. Wala lang, making this post to commemorate naman yung supposedly LAST first day. Naku po, sana naman, ‘wag ma-jinx.

This will be a tough sem AGAIN. Nakikinita-kinita ko na eh. WOOOOO~ This will be the last time to prove yourself, Kharren, na kaya mo pa. And sana nga, kayanin ko pa. KAKAYANIN! Sabi nga ni Ma’am Cho, nasa attitude lang ‘yan. It’s time to bring back the positive FelicisDawn150 that has been left forgotten a long time ago, if I said that right. WOOOOOO~ THIS IS IT, PANCIT!

Ok, at ngayon din namin nakuha ang allowance namin from SunLife GREPA. Pero malas lang, sa bangko pala kukunin, eh check na binigay sa amin, eh hanggang 3PM lang yung bangko, so yeah, balik ulit bukas, at ayos lang naman kasi nakalimutan namin yung ID namin. AHAHAH!! =)) Ok, whatever. Gagawa pa ako assignment eh. HHHUUUUU! WAG NANG NINGAS KUGON FELICISDAWN150. KAYOD KAYOD DIN. No pain, no gain, ika nga.

May 27, 2012…

Ayun. Katatapos lang nung week na super tambay lang ako dito sa bahay. Walang ginawa kung hindi magbasa, kumain, matulog, manood ng TV.

Well, actually, I am not bored at all. Ang saya kaya nang ganitong buhay. *Evil Laugh* ‘Di nga, pero seriously. Kasi sa pasukan hindi ko na naman matatamasa yung mga ganitong moment eh. Magiging school/OJT site-bahay-laptop na naman ang cycle ko.

Tapos shet, isang linggo na lang ang nalalabing oras para lalong magsulit ng lakas, enerhiya at tulog para sa darating na pasukan. 4th year na kami, shet lang. Halos minor na lang pero sheeeez yung Thesis namin. =( Nakakaiyak kasi unang-una sa lahat wala naman akong nako-contribute at mako-contribute na sensible topic. Tsk tsk. Loser me.

Pero ang highlight talaga nitong week ko at ang dahilan ng post na itey ay ang pagbabasa ko ng Percy Jackson & the Olympians: The Titan’s Curse. Ok siguro ibang post na lang para dito. =)) 

Self-talk:

Hay, good luck Kharren, 4th year ka na naman, graduating. ‘Wag kang papalya, please? Wala na din sanang tres as much as possible, HA? 

Pero ano, kapag natapos ang second sem, anong gusto mong gawin sa buhay? :|

May 1, 2012…

Ayuuuuun. eDiary post uliiiit! Ahehehe. Feeling ko Sabado today, ‘di pala, may pasok na naman bukas. Pero today ang saya din kahit papaano.

WE WATCHED ‘THE AVENGERS’!!! Ang angas lang talaga forever. Captain America and Iron Man FTW! Favorites and idols. Ang funny pa ng ibang scenes. At as usual, being the tanga tanga person I always was, hindi ko na naman naintindihan yung ibang convo, walang subtitle eh. Poor me, I know. AHAHAH! Pero keribels lang. 

Ayun lang, wala namang masyadong nangyari except sa muntik na naming bilhin yung nakita kong shorts sa Just G na hindi p*kp*k shorts at hindi ganun kaiksi (well, sana). Pero waley eh, mga pangangailangan muna. Ang arte ko lang talaga forever, papabili na naman and stuff.

Pero ayuuuuun next movie watching naman namin eh THE AMAZING SPIDERMAN. Ang gwapo lang ni Andrew Garfield. Sana forever na sila ni Emma Stone. <3

Kailangan ko nang matulog. May pasok pa bukas. Wooooo~ Good luck to me. Matagal-tagal pa kami dun.

April 20, 2012…

Late na naman ako magpopost. Pero gorabels, kunwari gabi ‘to ng 4.20.12. Whatever. =)) Wait, inaantok na ako, bukas na lang ‘to. OK.

Ok, ito na, magsusulat na. HAHAHAHA! Ayun ang toxic lang ng first week ng OJT. Pero okay naman, at least hindi kami idle. Pero grabe lang talaga, at kumusta naman sa tatanga-tangang tulad ko ‘di ba? Haaaay. 

Nakapagpa-test na din ako ng isa, at nakapag-interpret na. Pero hindi pa ako nakakapag-interview. Si Jovee nakapag-interview na eh kasi kaya na niya eh, ako fail pa. Tapos sayang kasi hindi ako naka-witness ng pag-iinterview mismo nung practicum supervisor namin kasi akala ko bawal pumasok dun sa room while the interview is ongoing. Hiiiiinnng~ Sayaaaaang. :(

Tapos may parang “senior” na kaming kasama dun. Ang dami na niyang alam grabeeeee~ As in lahat ng pasikot-sikot at lahat ng gagawin parang master na niya. Well, April 2 pa siya andun pero grabe lang talaga. Ang galing niyaaa! Malaman-laman ko pang consistent Dean’s Lister pa pala siya at running for Cum Laude. Tapos President pa siya ng parang PsychSoc sa kanila. Haaaay. Elibs. At hello naman sa akin na isang ordinaryong estudyante lang na masaya na sa tres basta wala lang bagsak.

Ako lang ata sa aming tatlo (ako, si Jessica aka Jecca, at Jovee) ung walang kwenta dun eh. Parang kapag wala na si Jecca si Jovee ang magiging bet nila. I mean wala naman akong against kay Vhevhe Jovee ko, she’s my friend forever, and magaling talaga siya at madaling makakuha ng instruction at maparaan at mabilis kesa naman sa akin na hindi agad makapick-up ng instruction at mabagal gumawa at palpak pa. Haaaaay.

Pero sabi ni Mama ganun daw talaga sa totoong trabaho, may mga pagkakamali sa una, maswerte na nga yung hindi ka mapagalitan eh. At narealize/naranasan ko na ngayon ang nararanasan ni Mama sa trabaho. Yung excited ka nang umuwi pero ang tagal pa rin ng oras. Yung hindi mo mapapansin yung oras kasi ang dami mong ginagawa. Yung pagod na hapon ka na aalis ng opisina tapos gabi ka na makakauwi tapos maaga ka na namang gigising bukas. Ang hirap pala, partida, OJT pa lang ‘to ah, wala pa akong sweldo at pamilyang papakainin nito. Haaaay. Buhay.

Narealize ko din na sa pagkuha ng empleyado eh counted talaga yung mga posisyon at experience mo sa mga org sa school and everything. Yung mga tipong Dean’s Lister ka. For that, I pity myself. Ang loser mo lang Kharren. :|

Isang mahabang post na naman. Ayun lang. Ma-update ko lang ang eDiary ko. Ciaooooo!

April 7, 2012…

Kunwari April 7 pa din. Kasi naman, late ako nakapagpost. =( HAPPY EARLY EASTER MORNIIIINNG! :D

YEESSS!! The title says it all! Forreaaalllzzz!! I did!! At sa tingin ko okay naman yung lasa. Ayoko naman itulak ang sarili kong upuan, pero yeaaaaah! I think I did great for my first time! Sana nagustuhan nila. Yun na nga lang, masyadong sinipsip nung pasta yung sauce, ayun tuloy parang kinulang. 

Gumawa din kami today ng gimbaaaap! :D Walang pictures nga lang. AHAHAHA!!

Ayuuuuuuun. Tagal na rin ng last entry para sa aking e-Diary eh. :D 

Blah blah blah, pang-save lang ng date.

March 5, 2012…

Monday, ano nga bang meron nung monday. Unang-una pasahan ng Chapters 1, 2 at 3 for Research, eh since wala naman si Ma’am nagchikahan lang kami nun. 

Okay, wait paano ko ba ‘to ikukwento. Oh basta, sequence na nga lang.

So ayun nga, nagpunta kaming Dapitan ni Jovee para magparing-bind yung OD proposal paper nila. Ayun, ang saya ko pa naman nun kasi bumili ako nung masarap ng chocolate. Ang alam ko talaga pagbukas ko ng bag ko para kunin yung wallet ko eh nandun pa yung cutie-cute-cute purse ko eh, parang (‘di ko ganun matandaan eh) nakapa ko pa.

Tapos ayun, walang maupuan sa Greenwich kung nasaan si Audrey at Rosan. At wala rin naman akong pambili kaya naisip naming bumili na lang sa Master Siomai at doon kumain. Eh kaso pagdating naman namin doon, may mga Eng’g na at kakasimula pa lang ata nila. Kaya dun na lang kami sa tapat ng Greenwich kumain.

Tapos yung babaeng nag-take ng supposed-to-be-seat namin, eh lumabas na. Tapos, ewan ko ba, ang lawak at ang dami namang pwedeng maupuan dun pero bakit ang sobrang lapit naman niya sa akin? Eh yung bag ko pa naman eh yung zipper opposite sa akin. Medyo naghinala ako eh. Kaya ni-move ko na yung bag ko Pero ewan ko. Ayun, makikitext daw si Jovee, yabang ko pa eh, naka-immortal kasi ako. 

Tapos ayun, waley na, waley na ung purse kong yun. Hindi talaga ako nagpapanic, kasi feeling ko ginogoncho lang ako ni Jovee eh. Pero siyempre, concerned pa rin naman ako sa nawawala kong phone kaya ni-trace back ko yung mga pinuntahan namin bago kami napadpad sa harap ng Greenwich. 

Pero ewan ko, medyo NR lang ako nung pabalik ng Main eh. Kasi hindi talaga ako kinakabahan as in. Ang nasa isip ko, ganito lang ‘yan eh, either ayaw lang talaga ibigay agad ni Jovee o kaya naman eh naiwan ko sa 132 at may nakakitang classmate namin na ibibigay mamayang next class namin. 

Pero habang patagal nang patagal nababadtrip na ako. Hindi ko alam kung badtrip nga ba yun o nagsisimula na akong magpanic eh. Pero nababadtrip talaga ako eh. Hanggang TestCon yun. At after ng class, naisipan kong tawagan na lang ulit. To make sure na nagriring pa or whatever.

Eh may biglang sumagot. Dun na ako simulang kinabahan. Pero syempre may mentally pa rin na, “Oh yesss! May nakakita. May magandang loob na magbabalik.” Pero hindi eh, nung narinig ko ung boses, I knew, my phone was not safe. Mukhang tambay yung boses eh. Ewan ko, ‘di kami magkaintindihan sa ingay ng klase kasi nga dismissal na. Tapos parang hindi ko alam sasabihin ko eh.

Ayun, pinakausap ko na lang sa mga friends ko. Kasi hindi ko kaya. Kino-contact nila. Kung pwede bang kahit yung sim makuha. Pero delikado eh, baka modus din. Kahit anong gusto kong makuha yun, ayoko namang i-risk ang buhay ng mga friends ko at pati na rin yung akin, para lang dun. Ang daming ka-echosang sinabi. Kesyo ganito, ganyan.

At dun, dun lang nagsink-in. Na wala na yung phone ko. Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi lang basta phone yun, na bukod sa mahal eh touch screen siya na talagang gusto ko kasi madaling gamitin at ang ganda ng OS.  Pero higit sa lahat, phone yung na may sentimental value sa akin (ok, imma post different pose for this, may mga deeper thoughts pa eh). And then I cried. Hindi ko napigilan. :| Then slowly move on, nang konti, hindi ko pa din lubos maisip eh.

Pag-uwi ko, hinanda ko na yung sarili ko sa sermong aabutin ko eh, at sa rage na nawala ko ung phone ko. Pero hindi pagdating ko ang saya pa ng pagbati ng nanay ko. “Oy, andito na si Ate.” Tapos ayun, nagpakwento sa nangyari. Ang sinabi lang, “Naku, ikain mo na lang ng chocolate ‘yan.” Tapos may chocolate nga siyang binili. Black Chocolate ng Meiji pa talaga, yung peyborit ko!! Ewan ko kung co-incidence lang o sinadya niyang bumili. Tapos may sim card na kaagad na available. Wow lang talaga. Wala lang, ang sarap sa feeling nung pag-uwi kong ‘yon. Kahit puro guilt at panghihinayang ang nararamdaman ko nung gabing ‘yun.

Haaaaaaay. Pero tama nga silang lahat. Buti na lang ganun lang ang nangyari at hindi worst case scenario. At siguro nga, kagaya ng sabi nila, may rason o kaya may kapalit or whatever, basta may magandang bagay na mangyayari hindi lang alam kung kelan. Sana ngaaaaa. SANA. Tangible man o intangible. :D

Ay! Dahil once in every four years nagkaka-Feb 29, kailangan kong magpost!!! Yeaaaaah! Pero save save muna. May gagawin pa eh!

Ayaaaaaaaaaan~ Finally! Natapos din ang isa pa sa mga major major na kahirapan na school work. For now, balik muna sa social life. At syempre, later, tulog. Pero kailangan ko pa ring magbasa ng story para sa World Lit at magreview/magpractice para sa report ko. :)

Eh ano nga bang nangyari kahapon? Ayun, GD activity ng 3rd and 4th group. Bilang sabaw kaming lahat ‘di ganun ka-energetic yung mga tao nung first group. Pero ayun, pasok naman na sa banga. Keribels. 

Yung mga natitirang subject, wala na akong naalala kasi inaantok akooooo! JOKE! Meron naman, basta ang alam ko bukas (ngayon) na yung pasahan ng OD proposal pero wala pa rin kaming matinong nagagawa. WAAAAAHHH~

Ayun, wala naman akong matinong nasagot sa identification part sa Psychotherapy; at nanghula lang ako sa True or False. Haaaaaay. Zero (0) din ako sa surprise exam sa World Lit. Napakasaya lang talaga. As in. HAHAHAHAHA! Pero keribels lang, go.

Pero ayun nasarhan na kami’t lahat lahat sa library pero wala pa ding nagawang maayos. Hiiiiiiiiiiiing. T_T Nung kinagabihan ‘di na ako nakapag-toothbrush at nakapag-shower, pero ang konti pa rin ng nagawa ko. Useless member forever. Pero dahil may dream team na Audrey at Dianne sa group, all izz well. Well, for now. Kasi may defense pa kami next week. Ajujujuju. :(( Pero gooooo! Kaya namin yun!!! God is ALWAYS with us eh. :D

February 22, 2012…

This is it! Pancit! Ito na yun eh! Yung day ng GD activity namin. WOOOAAAAH~ Grabe lang. Antok-antok pa ako pagpasok sa FX man o sa jeep. Bukod sa late natulog dahil may extended props pa na kailangan gawin, eh talaga nga namang pagod na pagod ako, physically at mentally. Ikaw ba naman magstay ng buong araw hanggang gabi para sa activity (as FINALS niyo lang naman) kinabukasan eh ewan ko na lang. At take note ah, ‘yang day and night before na ‘yan eh nagsisimula palang kami sa lahat, as in lahat. Props, paper (well, medyo from scratch kasi waley yung unang ginawang paper na ako yung gumawa ng walang kwentang instructions at ilan-ilan dun), pilot run, practice at pagsa-strategize ng gagawin.

Woooooooh~ Pagdating ko ayun, first group nag-aayos na. Military concept sila. Kabaligtaran nung amin na free-spirited, fun and love na Art Class. =)) Eh di go, participate sa activity nila. Kailangan eh. Coo-cooperate din naman! :)) Pero siyempre kaming magkakagroup eh nagsasabihan ng aming mga kaba at last minute na gagawin. At naiwan pa ni Vhevhe Audrey yung ibang artwork. Eh buti na lang mabilis ang mag-isip si Vhevhe, ayun, nakuha naman at umabot sa time.

Kinakabahan talaga ako. Ewan ko, yun ata yung kaba na magiging okay ang lahat eh. ‘Di ko alam pero may part sa akin na nagsasabing, magiging successful ‘tong gagawin namin.

Tapos medyo umextend din ng konti yung group 1. Panic-panic mode na kami syempre. Pero go lang ulit! Ayun, kami na. Grabbbeeeeeeee~ Ang galing talaga ng mga facilitator namin!!! Kay Van palang na-capture na yung attention ng class. Kay Jaymae naman, syempre sinusunod at tuwang-tuwa sa kanya yung klase. At ang galing mag-process ni Jovee!!

Syempre, pati yung mga iba kong groupmates magagaling din! Si Audrey, Dianne, Keceah, Kayla at Rosan. Ewan ko lang sa akin, kung may nagawa ba akong matino o something na nakatulong sa kanila. Pero sana naging isa din ako sa mga dahilan ng success ng group. 

Eh ‘di natapos din. Woohoooo! Ayun, konting reminder sa class galing kay Ma’am Ces. Tapos announcement na. Private talk sa dalawang group. Sinabi ang naging advantage at disadvantage ng dalawang activity na naganap. Announcement of scores na. Plus 5 daw kami since first group. Haaaaay! Buti naman ang generous ni Ma’am dun at naintindihan niyang ang hirap sa part namin yun. Tapos ayun, gusto ni Erika unahin kami pero inunahan na siya ni Ma’am at grade nila ang unang sinabi. Mataas nga.

Pero nung sa amin na. Grabe, parang nanalo sa lotto na ewan eh. Sabi nga ni Audrey parang yung mga bading sa viral youtube video nung nanalo si Venus Raj. Grabbbeeee~ Pero ako lang ang hindi tumalon. Andun yung isang group eh, pero kung kami lang yun, nakuuuu!!! Hahampasin ko pa mga ka-group ko. HAHAHAHAHA!! :)) Pero ang saya ko talaga. 92 orinally yung grade, kapag wala pa yung plus. GRABBEEEEE~ Mataas yun para sa akin! First time eh. FIRST TIME.

Ayun, tapos pinky promise, sabi nga ni Jaymae, pinaghirapan namin yun eh. ‘Di pwedeng dahil lang dun kaya dapat galingan ng ibang group. Wala din naman kaming naging motivation dun sa ginawa namin eh. Wala kaming naging extrinsic motivation. It was purely intrinsic. Ang gusto lang namin matapos na talaga. Pero syempre dapat gawin parin ang best. Kaya dapat yun din ang maging mentality ng ibang group. 

Share share lang din. Masaya talaga ako, kahit haggard haggard magdala nung tray pauwi. :)) At ang init ng wagas nung hapong yun. Kaya nung kinagabihan eh nagthank you message ako sa kanila sa FB. I meant it. Pinag-isipan ko yung mabuti from the bottom of my heart!! Yaknow naman I love writing letters. I like moving people gamit yung sulat kong yun. At sana na-touch sila kahit konti. :D 

Ayuuuuuuuuuun. Haaaaay! Sana ganito rin ka-successful ang mga susunod na project na gagawin/ipapasa. :) Positive vibes lang! Goooo! God bless to us!

Thank you Papa God! Thank you Mother of Perpetual Help, St. Jude at St. Anthony. :D

February 17, 2012…

Ewan ko ah. Baka last post ko ito for my petiks day na dapat eh not-so-petiks naman talaga. ‘Di ko alam kung kelan ako makakabalik o kung makakabalik pa ba ako. CHOS yung latter part. :))

Ewan ko ulit ah. Ilang beses na naming sinabi na “we would die on this day” o kaya naman “Di ko alam kung saan na ako dadamputin after ng araw na ganito ganyan.” Pero at the end of that day nasurvive naman namin. WAIIIT! PUBLISH KO MUNA. Well, may konting damage nga lang kasi either mababa sa exam or whatever, pero nevertheless, sa awa ng Maykapal, buhay pa naman kami. 

Pero ano ‘to?? Zombie Apocalypse na ba talaga?? Gusto na ba talaga makakita ng prof ng mga living dead? O kung hindi man living dead, living but seems like dead? Anoooooo? Sunod-sunod na requirements at quiz. ALL DUE AND WILL BE ON MONDAY. Monday? Hanggang sunday lang ang alam kong araw eh. ‘Di ko kasi alam kung aabot ba pa ba ako ng monday. 

Gusto mo isa-isahin ko??? Sige. Research Chapter 3 (na hindi biro ang haba, may mga graphs pa); Group Dynamics (na mas lalong hindi biro ang haba, may mga kailangan pang props and everything at may pilot run pa); Organizational Development (na sa sobrang dami at komplikado hindi ko na alam ang gagawin); Clinical Psychology (hindi pa naman nagpaparamdam si Sir B pero gets na namin yung pressure na maidudulot nito); Psychology of Exceptional Children (QUIZ; utang na loob naman, kailangan kong mag-aral ng mabuti dito, pasang-awa lang ako nung prelims HUHU); Counseling and Psychotherapy (QUIZ; alam kong okay naman dito, pero kailangan pa ring mag-aral); World Lit (speech choir daw sa monday din uuhhhmmm, Ma’am Lacuata, yep, I know, ‘di niyo po alam ang kaganapan sa amin pero yung timing, nakikisabay talaga???)

WOOOOOOW. Just wow. Sabi nga ni Audrey, “Wait lang ah, ipapaphotocopy ko lang yung katawan ko.” KUNG PWEDE LANG TALAGA, UTANG NA LOOB! Freaky Friday talaga. Ngayon pa talaga naglabasan ang mga ganitong bagay. Haaaaaaaayyy. 

'Di ko na talaga alam. Imbes na gumawa na ako ng something productive, magbasa, mag-type or whatever. Ito ako at gumagawa ng panibagong post. Haaaaay. Kung pwede lang talaga magvanish na lang eh. Tapos balik na lang ako 'pag finals week na parang walang nangyari. O kaya sana sa mga dadating na araw ay sobrang maging manhid ko at hindi ko na maramdaman yung pressure, yung antok, yung stress, yung kung mababa ba ako o mataas sa exam.

GUSTO KO LANG TALAGA DUMAAN NG MATIWASAY ANG MGA SUSUNOD NA LINGGO. YUNG TIPONG NAPAPIKIT LANG AKO, FINALS WEEK NA, GANUN. :(

So let’s pretend that today was yesterday. LOL! 

February 10, 2012…

Hindi ko alam kung bakit araw-araw na lang (except kung super hyper at maganda ang mood ko para sa isang araw) meron talaga akong kinaiinisan tuwing umaga na hindi ko mapaliwanag kung ano o kung sino o bakit. Basta lang gusto kong magtaray. Labo nga eh o talagang malapit na akong magkaroon kaya hormonal imbalance? Ah, ewan, hindi ko din alaaaaaaaaaaaam! T_T

Ayun, ni-continue namin yung topic namin for Autism. Magaling magreport ung group nila! Feeling ko talaga nake-carried away si Sir Marc sa topic eh, kasi ang dami niyang nasasabi at nashe-share eh. Nung pagdating kay Joan sobrang dynamic ng naging discussion. At feeling ko din, tulad ng sabi ni Sir, maybe it was fate na yun yung maging topic nila. At feeling ko din naluluha si Joan eh. Ang daming candid moments ni Sir Marc! Nakakatuwa! Ang cute niya!! :”>

So ayun, gumawa ng on-the-spot resume para dun sa mga napag-sign-an naming job fair. At binigay na nga dun. ‘Pag dating naman namin sa Med Audi eh ang dami ng tao. T_T Hanggang labas yung pila. At nauna na sila Audrey pati sila Dianne at Jovee, tapos si Van kasama si Tikoy niya. At sa dami ng tao hindi na ako umaasang marereserve-an nila kami at tanggap ko namang magkakahiwalay kami sa ganung event unless super sabay-sabay kaming nagpunta. Kaya super thankful ako nung tinawag ako ni Audrey at may sit next to them para sa amin. :”> :D

And so blah blah blah. The show starts. Ang benta lang forever ni Imam!! Sooobbrraaaa! At infairness, nagclick yung tandem nilang tatlo, Kara + Imam + Zhasha (?). Iku-quote ko na lang yung sinabi ni kuyang tinanong ni Kara kung ano yung favorite part niya so far, “Wala pa akong favorite, wala pang Psych eh.” At tama nga naman ni kuya dun. Si Super-cute-professor lang ng Chem yung nagpasaya sa akin sa mga naunang perf eh. =)) Kyot niyaaaaa! Grabeeee! :”>

And then there was Psychology. Ano pa nga ba? Syempre stage presence talaga kung stage presence din lang ang pag-uusapan. Niceeee~ at ang bongga pa, sari-sariling production number ang mga Prof namin! :) How nice! Pero mabibilang lang sa isang kamay ang nagperform. Pero who careeeeeesss!! Binawi lahat ni Sir B ang mga wala. Sige, ni Ma’am Agnes na rin at Ma’am Ces. At ang galing talaga pumalo ni James at Kuya Tom! Super WOW talaga! 

Pero yung after ng Psych talaga yung mga nagtayuan yung mga tao eh. Si Ma’am Beth, si Assistant Dean at si Dean mismo atbp-hindi-ko-kilala-pero-infairness-sikat; isama mo pa si Sir Padilla na talaga nga namang super talented at ganda ng boses ah; at ipang-finale mo pa ang College of Science Dance Troupe, ang epic lang talaga.

And almost all the time I was talking about Kara. Grabe laaaaaaaaaang! Super lumevel-up talaga yung level up kong pagkagusto sa kanya. Ang kalog niya rin pala (whether it’s because she’s emcee-ing kaya siya ganun o scripted yun o natural na yun, I don’t care, basta ang kalog niyaaaa)!!! Akala ko yung tagalog niya eh mala-C, pero hindi pala, konyo pero basta, hindi mala-C. Tapos ang ganda niya pa. Ang puti at ang tangkad. 

And then there’s Julia. The legend. Grabe yung swag niya forever. Oozing palagi kapag nasa stage siya eh (and off stage). Grabe laaaang. She can sing and dance really well, hindi lang yung basta-basta. Pero mas matagal at sobra talaga yung spazz ko kay Kara eh. Hinahanap-hanap ko tulot si Van para mai-share yung sobra-sobra kong emosyon. Pero wala siya, he’s with the love of his life. 

**

Ayun, sobrang ganda saya ng Science Variety Show!! Kahit may mga dull moments, ok lang, kudos to the director and staff and participants/performers lalo na sa mga profs. :) Mag-isa na sana akong uuwi pero nakita ako ni Anne, kaya ayun, nagsabay na lang kami. D’ Cream milk tea (Assom Chocolate) + street foods = nice merienda!! :))  

***

Ano ba ‘yan kahit maaga akong nakaalis ng Lawton, eh late akong nakauwi. Pero kasi nakakatanga nga pala yung oras, 5:30 na eh parang ang taas (well, medyo mababa nang konti) pa yung araw. Mina-mindf*ck lang tayo. :))

Curios about the asterisks?

Read More

Na-late pagpost ko. :( Febuary 4 tuloy yung date. 

February 3, 2012…

Ewan ko ba pero ang taray taray ko nung umaga ng araw na ‘to. Dahil ba sa konsensya ko o dahil ba sa hindi ako nakapag-aral, ‘di ko alam. Pero titiklop din naman pala ako nung opening prayer ng recollection. Narealize ko tuloy kung bakit ako nagtataray minsan, ‘di dahil magkakaroon na ako or trip ko lang magsungit, pero dahil malungkot ako or worried or whatever. 

Ang sarap sa pakiramdam nung confession. This time, I felt it was real. Not that I mean na yung mga nakalipas ay hindi pero this time, I really felt kung ano yung sinabi ng Pari. And I was happy and sorry about it. 

"Focus yourself on something. Always keep busy."

"Be your better self today than you were yesterday."

"Not my will, but Yours be done."

"Faith, Hope and Love. But the greatest of these is LOVE."

Pero ito talaga yung pinakanagpa-moved sa akin eh.

"I don’t normally go with the fourth year’s recollection, but I’m looking forward to going with your section." -Ma’am Joy

Pero worried talaga ako sa GD and OD quiz. Nawawala ung focus ko kapag maraming tao o kahit isa lang na may kasama ko. Nawawala yung focus ko kasi alam ko namang hindi ko lahat un matatandaan, sa dami nun. Tapos naghahabol pa ako ng oras. :|

Pero yung pinaka-nagpasaya talaga ng araw ko eh ung heart-to-heart serious talk namin with Ma’am Joy. All is well!!!!!! Yeheeeeeeey!! :)

Pero ayun, lagapak ang scores sa GD at OD. =(( Eeeeeehhhhh!!!! At dumadami na talaga ang listahan ng requirements. Haaaaaaay.