(Galing pa ‘tong Multiply. Ang ancient lang. HAHAHAHA! Madami pa akong na-discover eh. Pero ito muna.)


someone spells my name right. Yung um-effort pang i-type sa text, chat o kahit ano pang informal writing lang yan, yung pangalan kong napa-arte  i-spell, ‘KHARREN’. Wala lang, it always gives me the feeling na special ako somehow. :”>

someone remembers even the single and unimportant detail of who I am or what I’m like. Yun bang naalala birthday ko kahit hindi ko sabihin. Yung alam kung saan banda ako ng Pilipinas nakatira, yung kahit city lang. Yung naalala yung mga pinagsasabi ko na kahit mismo ako hindi ko maalala. =))

someone observes the way I do things or the way I react to different situations or those simple things I like without me telling them directly. Ewan ko ba, ang sarap sa feeling. ‘Di naman yung stalker type syempre, ano ba! =)) Yun bang parang alam mong gusto ka talaga kilalanin nung tao. Well, i-Psych din, pero basta. 

someone calls me with our ‘pet names’. Tama ba yung english term ko sa tawagan? Feeling ko kasi mas close na kami nung tao kapag may tawagan. Pero kung iisipin, ‘di din. Pero kapag yung sa mga close friends mo or best friends, ang sarap lang pakinggan kapag tinatawag ka sa tawagan niyo. *Pero seryoso, parang ayoko nang tawagan kapag nagka-boyfriend na ako? Parang ang awkward. Pero ewan, baka magbago din.*

…someone takes care (even without using it, but adds to my gratefulness when he/she is using it) and gives even a little importance to the things I have given him/her. Wala lang. Kasi kapag binigyan kita ng isang bagay, regalo or mga bagay na simple na gusto mo, lalo na letter, ibig sabihin nun, mahalaga ka na sa akin. <3 :D

*edited*

…I’m writing and giving letters to loved ones. Of course, when receiving one from them too! ‘Di kasi ako personal na tao eh. Mahiyain ako ika nga. Minsan ang dami kong gustong sabihin pero kapag kaharap ko na yung tao ang hirap nang magsalita.  Sabi nila mas sincere daw kung personal mong sinasabi, na mas maganda kung harap-harapan, pero para sa akin, kahit anong corny pa ng sulat para sa iba, this is my way of showing, well, in this case, writing my sincere-est, deepest gratitude. Not because I’m coward or anything, pero mas nalalabas ko lahat eh, kapag nagsusulat. Hindi ‘to katulad ng text, may emotion ‘to eh, para sa akin. Oldies nga yung way ko eh, yung tipong may stationary pa at sobre, kulang na lang ipadala ko sa snail mail. HAHAHAHA! Wala lang. LETTERS, I LOVE! <3

…I know I can make someone happy, by my little ways. Yung tipong nag-joke lang ako ng konti, o kahit normal ko pa yun, pero tawang-tawa siya, yung as in natural na tawa eh. Yung kapag malungkot siya pero natutuwa siya kapag kasama niya ako.  Yung mga ganung bagay. Wala lang ulit.


Ayun. Wala lang. :) Dadagdagan ko na lang if ever. :D