Ito na naman ako, negative thoughts na naman pumapasok sa utak ko. Minsan tuloy pati yung natitirang katiting na confidence na nakatago sa kaloob-looban ko eh nakakain na nung mga negative thoughts ko about myself. Minsan pati ung kapirasong yun eh nawawasak pa lalo sa maliliit na parts, microscopic kumbaga. Yung tipong mahirap nang makita at mahirap nang hanapin. I know I’m not making any sense. Pero ganun.

Ang hirap. Sa lahat na lang ng bagay na gusto mong katahin o sa mga bagay na gusto mo eh lagi ng may best bago sayo. Yep, alam ko namang normal yun, na meron na talagang pioneer sa bawat field. Yun na ang mahirap eh. Yun paniwalain yung sarili ko na dumaan lahat sila sa hirap at matinding proseso bago naging ganun successful sa kung anong field man nila. 

Ang hirap kasi hindi na nga ako katalinuhan, hindi pa ako kagandahan. Wala na nga akong talent, wala pa akong bagay na sobrang interesado na alam na alam ko yung tungkol dun. Slow na nga ako makagets, bagal ko pa kumilos. Yung bang isang negative na bagay ginagatungan pa ng isa pang negative. Wala nang natira sa akin (o talagang pinagdamutan ko lang sarili ko).

Ito na naman ako eh. Maliit na bagay na walang kwenta, pinapalaki ko. Ginagawa kong big deal. Nag-iinarte na naman ako. Ewan ko. Ganito laging nangyayari kapag nafi-feel (at malamang perspective ko lang naman na mali) ko na namang sobrang inferior ko eh. . Baka stress lang kasi talaga ako. ‘Di ko lang alam, ayoko nang isisi sa ibang bagay yung kasalanan ko eh. Huuuu.

Haaaaaaaaay. Nalimutan ko na naman ang mga kadramahan dapat kong isulat. Ready na ako kanina oh. Todo emote na ako habang naghihintay ng FX eh. Pero as usual, nawala na naman lahat nung nakaharap ko na yung comp later the night. Extraneous variables nga naman.