Yung tipong ang random ng post na ‘to dahil gusto ko lang na may ma-post. Ang tagal ko nang iniisip kung anong ipopost ko eh. Song lyrics ba na ieedit ko, isang mahabang post ba tungkol sa mga bagay-bagay, pero wala eh, biglang naglalaho kapag katapat ko na yung computer. Tinatamad na ako biglang mag-isip at mag-edit. Hiiiiiinnngg. TAMAAAAAAAAAD. Yeah, that’s me. So ayun. I-start na ang ka-random-han.

Yung tipong nasisiyahan ka mag-OJT dahil medyo (eh kasi hindi din ganun kalamig sa office) nakakawala ng badtrip yung init dahil nga may aircon.

Yung tipong ang presko sa pakiramdam kasi kakagaling mo lang ng shower pero pinagpawisan ka naman nung nagbibihis ka. :|

Yung tipong wala na naman akong masulat?? ANUBANAMANITOOOOOO!! :| Edit edit na lang din siguro. Antok na din akoooo. Huuuu.

As of 05.1.2012

Yung tipong ang dami kong gustong bilihin para sa sarili ko pero hindi ko magawa. Kasi unang-una sakto lang pera namin para sa mga bagay-bagay na MAS kailangan. Pangalawa, dahil naiisip ko minsan na nagpapaka-sosyal lang ako at gustong maka-keep up sa iba, sa society. Hiiiing.

Yung tipong yung mga nagiging crush mo ‘di ka naman kilala. Tapos yung tipong may mga pinu-pursue (at na-pursue) na sila.